Otsenta anyos na ako kaya makakalimutin na hehehe. Pero kung nakikita mong Valentine’s Day pa ang post ko before this one, ‘yan ay hindi dahil nakakalimutan kong mag-post. Ang pinakamabigat na dahilan ay NAKALIMUTAN KO ANG PASSWORD KO DITO hahaha. Kahit anong bungkal ang gawin ko sa memorya ko, hindi ko talaga mapiga sa utak ko kung ano ang password ko dito. Kailangan ko na siguro ng Sustagen Prime para gumaling ang memory gap ko
So, ano ang dapat gawin kapag nakalimutan ang password? Eh di syempre, click the FORGOT THE PASSWORD link, di ba? And I did. Syempre, para mabasa ko ang ipinadalang email ng wordpress containing my password, kailangan ko puntahan yung email address ko which I used to register for this blog. Heto na ang problema ngayon: pareho ang password ko dito sa blog at sa email addy ko. Ibig sabihin, hindi ko rin mabubuksan ang email ko huhuhuhu
Ano ngayon ang ginawa ko bukod sa sikapin na maalala ang password ko? Nothing. Hinayaan ko na lang muna na lumipas ang ilang araw, naghintay, at nagbakasakaling bumalik ang alaala ko nung panahon na nag-sign up ako for my email addy or for my blog. At effective naman ang aking paghihintay. Kaninang umaga, paggising ko, naalala ko na ang password ko! Saya!
Kaya heto ako ngayon, nagpo-post uli. At kung binabasa mo itong post ko, nagpapasalamat ako sa ‘yo sa pagdaan mo dito.
haha kaw talaga!
dami mo sigurong iniiisip.
By: Daisy on March 7, 2008
at 10:48 am
thanks for dropping by my blog! yes we tried ka lui’s. although i didn’t enjoy it much. mejo disappointed siguro ako kse mataas mashado ang expectations ko. andami kse nagsabi na we shouldn’t miss eating there daw. kala ko sobrang sarap. the choices were limited and the servings weren’t hefty. in short, bitin ako sa food. we tried the badjao seafood restaurant too, dun enjoy ako. sobrang bitin nga ang palawan namin.
By: antuken on March 7, 2008
at 1:12 pm
Bakit pa kasi inembento yung password – dapat thumb mark nalang
Nakikidaan lang po – hwag magagalit
By: rommel on March 8, 2008
at 10:22 am
Thanks so much for dropping by my site. Fortunately, nothing happened to my bike the last time I used it to go to the shops. Pero para talaga akong paranoid na check-ng-check.
For sure bikenapping could happen anywhere. Sana hwag muna sa akin
Have a nice day po.
By: rommel on March 10, 2008
at 11:26 pm
sustagen ba..gatas kalabaw na lang.hehehe.
By: germs on March 19, 2008
at 12:04 am
he he he he he… ayos ah! sana mabasa ng makers ng sustagen prime ang blog mo at baka sakaling bigyan ka nila ng one year supply!
By: sea lover on March 26, 2008
at 2:04 pm