Posted by: LittleSis | January 23, 2008

Isang Araw, sa LRT

SJbridge

“Lahat ay dadaan at lahat ay maiiwan
Ngunit tayo ay dadaan
Dadaang gumagawa ng mga daraanan
Daanan sa ibabaw ng karagatan.”

Nabasa ko yan sa LRT noong isang araw na sumakay ako papuntang central post office sa Plaza Lawton. You may be one of its regular passengers pero maaaring sa sobrang pagmamadali mo, hindi mo pa napapansin ang verse na yan. Kung hindi mo pa nga napansin, next time na sumakay ka subukin mong hanapin ’yan sa loob ng train coach. Kung nakita mo na ‘yan at kasalukuyan mong binabasa itong post ko, pretend ka na lang na hindi mo pa ’yan nakikita heehee :D

So, ano nga ba ang verse na ’yan?

The verse is a Filipino translation of verse number XLIV of Antonio Machado’s poem, Proverbios y cantares (Proverbs and songs). Si Antonio Machado ay isang poet noon sa bansang España. The text in Spanish goes:

“Todo pasa y todo queda
Pero lo nuestro es pasar,
Pasar haciendo caminos,
Caminos sobre lamar.”

Bakit nga ba nakadikit sa wall ng LRT coach ang verse na ’yan?

Well, it’s because it is an advertisement of Instituto de Cervantes, a public institution created by Spain to promote Spanish language and culture. You see, la instituto de cervantes esta en frente de universidad de la salle. (tama ba ang Español ko? Kung mali, pasensya na po at sampung taon na ang nakaraan mula nang magkaroon ako ng Spanish subject sa kolehiyo hehehe). Dinadaanan ng LRT ang opisina ng Instituto de Cervantes. Isa pa, araw-araw ay maraming sumasakay sa LRT kaya maganda nga namang mag-advertise ’dun.

Gusto ko ang pagkakagawa ng ad. Simple lang kasi. Another thing that I like about it is its “punchline” which goes, “Español, malapit sa kulturang Filipino. Just a station away”

Isang pasasalamat nga pala sa kumuha ng picture na ito. I can’t remember from which website I got this, medyo matagal na kasi. This is a picture of the country’s longest bridge, San Juanico. Kung sino ka man na may-ari ng picture, sana wag mo po akong ihahabla hehehe.


Responses

  1. hi! i just want to share i used to ride the LRT when i was in college. lagi ako nakatayo… (mas gusto ko naman) i get to watch people (hobby ko yan), ulit-uliting tingnan ang maynila mula sa bintana ng LRT(pero di ako nagsasawa)… funny pero nag eenjoy ako lagi… siguro dahil i like to travel… and yes, i’ve been to that oh so beautiful bridge…

  2. that’s a great photo…sayang hindi pa ako nakasay ng LRT…maybe sa next na pag-uwi ko…I will meet you there and we will ride the train together ha my dear littlesis. :)

  3. lilsis.thanks at napadaan ka sa munting mundo ko . ganda ng picture sa heading mo..nakaka refresh.. .. san juanico bridge ba yan? sana makarating din ako dyan..ganda..


Leave a response

Your response:

Categories