Otsenta anyos na ako kaya makakalimutin na hehehe. Pero kung nakikita mong Valentine’s Day pa ang post ko before this one, ‘yan ay hindi dahil nakakalimutan kong mag-post. Ang pinakamabigat na dahilan ay NAKALIMUTAN KO ANG PASSWORD KO DITO hahaha. Kahit anong bungkal ang gawin ko sa memorya ko, hindi ko talaga mapiga sa utak ko kung ano ang password ko dito. Kailangan ko na siguro ng Sustagen Prime para gumaling ang memory gap ko
So, ano ang dapat gawin kapag nakalimutan ang password? Eh di syempre, click the FORGOT THE PASSWORD link, di ba? And I did. Syempre, para mabasa ko ang ipinadalang email ng wordpress containing my password, kailangan ko puntahan yung email address ko which I used to register for this blog. Heto na ang problema ngayon: pareho ang password ko dito sa blog at sa email addy ko. Ibig sabihin, hindi ko rin mabubuksan ang email ko huhuhuhu
Ano ngayon ang ginawa ko bukod sa sikapin na maalala ang password ko? Nothing. Hinayaan ko na lang muna na lumipas ang ilang araw, naghintay, at nagbakasakaling bumalik ang alaala ko nung panahon na nag-sign up ako for my email addy or for my blog. At effective naman ang aking paghihintay. Kaninang umaga, paggising ko, naalala ko na ang password ko! Saya!
Kaya heto ako ngayon, nagpo-post uli. At kung binabasa mo itong post ko, nagpapasalamat ako sa ‘yo sa pagdaan mo dito.


